IRELAND less attractive for Filipino Nurses: My Point of View


I was on night duty on Saturday (06 May 2017) when a dear colleague-turned-friend sent me a personal message about an article entitled Negative experiences makes Ireland less attractive for Filipino nurses published by the Irish Examiner on the 5th of May. He asked me how true the article is. I read the whole post and gave him my opinion about it. To those who are also bothered by the said write-up, here is my point of view and I hope this will enlighten you.
Itatagalog ko po ang artikulo para klaro at mas maintindihan ng mga nagnanais magtrabaho dito.
  1. Bad Experiences with Host families
Para sa kaalaman ng lahat, ang ibang mga agency katulad ng Chesham Recruitment na katie-up ng CPL Healthcare dito sa Ireland ay nagbabayad ng host families. Ang mga host na ito ay pwedeng Irish o Filipino hosts. Habang kayo ay nasa adaptation period pa, libre pa ang accommodation. Ibig sabihin, kahit pa maextend ka sa adaptation, mapa 6 o 12 weeks yan, wala kang babayaran. Either isa o dalawang nurse and naassign sa isang host family.
Regarding sa mga bad experiences, hindi ko isusugar coat, totoo po yan. Mayroon pong mga nagkaroon ng hindi magandang karanasan sa host. Sa batch namin, yung dalawang magkasama sa bahay, sinabihan na wag maligo sa umaga dahil maingay ang heater, minsan lang maglaba sa isang lingo, pagsamahin lahat ng damit sa isang labahan (panty at medyas, puti at itim), patayin ang ilaw sa gabi,etc. Mayroon ding nabugbog ng host na lasenggero (hindi sa batch naming yan).
Subalit, isolated case lang naman po ito. Sa case ng mga kabatch namin, nagsumbong sila sa agency at nagawan ito ng paraan. Nilipat sila sa pinoy na host at kinausap yung nauna nilang host patungkol sa mga issues. Dahil sa nangyari, malamang hindi na bibigyan ng mga ihohost ang mga foster family na may di magandang ugali.
Sa aking pananaw, bilang tayo ay dayuhan dito, kelangan nating makisama at makibagay. Kumbaga, ibigay ang hilig nila. Maging sensitive din tayo. Mahal dito ang kuryente kaya kailangan magtipid sa heater, sa ilaw o sa pagluluto. Masasabi kong nagging swerte kami sa host kahit pa may schedule ang heater, ayaw niya ng maamoy na mga pagkain, masyado siyang oc-oc, mainit ang naging pagtanggap niya samin. In general, warm ang mga Irish. Kung maaari, dahil bahay naman nila ang titirhan niyo, at literal na nakikitira lang kayo, respetuhin natin ang gusto nila. Isipin niyo, 6-12 weeks lang yan. After nun, pwede niyo ng gawin ang gusto niyo pag may sariling bahay na kau na rerentahan.
On the other hand, mayroon talagang mga nananamantala. Kung sa tingin ninyo ay hindi kanais-nais ito at nakakaapekto sa pagpasa niyo sa adaptation, maari niyo namang ipagbigay alam ito sa agency niyo. Mahirap ang sabayang stress sa pagpasa ng adaptation at sa host family. Isa pa, binabayaran sila ng agency.
  1. Taking Jobs Off the Irish
Sa kabutihang palad, hindi ko naman ito naranasan. Simula’t sapul, may ideya na ako na may reputasyon ang hospital kung saan ako nagtatrabaho ngayon sa bullying ayon na rin sa ibang mga pinoy. Ngunit hindi naman ito sa pangkalahatan. Kahit saan naman may bully at may mga mababait. Kailangan lang natin tatagan ang ating loob. Nasa ibang bansa tayo, hindi natin maaalis na ganun ang kaisipan ng iba—na inaagawan natin sila ng trabaho. Ang Ireland ay isang multicultural na bansa. Iba’t-ibang lahi na ang naririto kaya kung naranasan man ng isang pinoy na madescriminate, naranasan din iyan ng iba pang mga lahi. So far, ang laging sinasabi ng mga pasyente ko ay, ano nalang daw ang mangyayari sa bansa nila kung walang mga pinoy nurses?
  1. Emergency Tax
Ang unang sahod ko ay 680 euros dahil sa emergency tax. Salamat nalang sa aking mga magulang na sinobrahan ang pocket money ko. Subalit ang emergency tax ay ibinabalik naman po. Huwag natin itong gawing malaking issue. Ang payo ko, magdala ng sapat na pera. Huwag asahan na malaki agad ang unang sahod dahil maaaring makaltasan ang sahod ng emergency tax kung hindi ka nakapagfile sa revenue.ie bago ang cut-off.
  1. Clinical Adaptation
Para makuha ang pin, kinakailangang pumasa sa RCSI o Adaptation Program. Totoong may mga hindi nakakapasa sa adaptation program dahil sa maraming kadahilanan. Maaring napag-initan o maari ring nasa mismong pinoy nurse din yan. Tip ko lang, napakahalaga sa kanila ng communication. Maging assertive pero huwag naman maging sobrang confident. Kumbaga, saktong bibo lang. Kung maeextend ka man, ok lang yan. Ang mahalaga ay hindi ka mapauwi. At ang pinakamahalaga sa lahat, magdasal. Wala man ang pamilya mo dito, ang Diyos laging nandiyan para ikaw ay gabayan.
Bottomline: Nasa sa iyo yan kung magpapadala ka sa mga nasusulat. Katulad nga ng lagi kong sinasabi sa mga kaibigan ko na nagpaprocess na ng documents papunta dito, huwag ninyo akong sisihin kapag andito na kayo. Alalahanin niyo, pupunta kayo (nandito tayo) para magtrabaho at hindi para pagsilbihan. Ang mga pagsubok, parte na ng buhay iyan. Malalampasan din natin yan. Mahirap talaga sa umpisa. Yung 3 araw lang na pasok, 3 beses na break, at sahod na sampong beses (o higit pa) na mas malaki sa kinikita mo sa Pinas, magrereklamo ka pa ba niyan? Ang lagi nga naming iniisip na magkakabatch, “Tiis-tiis lang.Ginusto mo yan.”
(At dahil ginusto ko to,ieenjoy ko muna ang dalawang linggong off ko)
Check out my first castle experience in Ireland!

Tags: , , ,

Related Posts

Previous Post Next Post

Comments

    • Ridgette
    • May 11, 2017
    Reply

    Are the news real that the nurse situation in ireland is the same as the philippines? Ive been reading a lot articles regarding ireland-nurses on strike

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

4 shares